In an attempt to be poetic.
Bonjour.
I'm Jesh. 18 years old. Currently taking up BS Computer Science at UP Manila.
I love books and music. And food. I have a flair for the dramatic. I write poems and songs. Half-realist, half-hopeless romantic. Caffeine addict. Extroverted introvert. I'm weird like that.

#personal #writings #poems 
#thoughts 
It ends tonight.
14 August 2011 | 8:55 PM | 0 letters
Often times, the little things are the ones that damage relationships the most.

Sorry kung masyado akong mababaw para sayo. Sorry kung masyado akong demanding. Sorry kung pinapalaki ko lahat ng bagay. Sorry kung lahat ng bagay ginagawa kong dahilan para mag-away. Sorry kung lagi nalang akong nasasaktan.Sorry kung hinayaan kong magkaganito tayo. Sorry.

Hindi ko naman ginustong tapusin. Sadyang nasasaktan lang talaga ako. Makakapagmove-on din naman ako, diba? Unless tayo talaga yung para sa isa't isa. Ikaw pa nga nagturo niyan sakin eh. Kung pwede lang, di ko tatapusin. Kaso parang mali na ata yung pagtrato mo sakin. Hindi tayo pantay dito eh.

Thank you. Thank you sa lahat. Thank you kasi minahal mo ko. Thank you kasi nagawa mo kong pagtiyagaan for 6 months. Hindi nga lang yun eh. Simula dati mo pa naman ako napagtitiyagaan. Kaso lumampas na ata ko. Pati ikaw di na ko kinaya. Thank you sa lahat. Thank you sa maraming maraming oras na binigay mo sakin. Thank you kasi nagkaron ng chance na masubukan natin na maging ganito. Thank you kasi alam kong ikaw parin yung best friend ko kahit wala na.

Hindi ko naman pinagsisisihang nangyari yun. Siguro nanghihinayang, pero di ko pinagsisisihan. Masaya naman eh. Masaya.
Hihintayan ko nalang na dumating yung oras na matatawanan ko nalang lahat ng yun. Mahal kita. Kung pwede lang, babawiin ko yung sinabi ko. Kung alam ko lang na hahayaan mo lang na tapusin ko na nga. Siguro nga mali talaga. Mula sa simula, mali na. Ba't pa kaya tayo nagkaganto kung mali? Ewan. Siguro matagal tagal pa bago ko malaman.

Sorry kung sa mga susunod na araw hindi ako yung Jesh na kilala mo. Eh kung tutuusin, ngayon pa lang naman ata hindi na ako yung Jesh na kilala mo. Hindi mo nga ako matanggap eh, diba? :/

Siguro hanggang dito nalang. Bahala na kung ano mangyayari satin.

Sorry and thank you.

I love you. I guess this is goodbye.

Labels:


Older Post | Newer Post