In an attempt to be poetic.
Bonjour.
I'm Jesh. 18 years old. Currently taking up BS Computer Science at UP Manila.
I love books and music. And food. I have a flair for the dramatic. I write poems and songs. Half-realist, half-hopeless romantic. Caffeine addict. Extroverted introvert. I'm weird like that.

#personal #writings #poems 
#thoughts 
Sana minsan...
14 November 2011 | 1:00 AM | 0 letters
Sana minsan nagagawa kong sabihin sayo yung nararamdaman ko.
Kaso di ko naman kung aling mga salita gagamitin ko.
Sana minsan iniintindi mo kung bakit ako ganto.
Kaso parang ayaw mo.
Sana minsan hindi mo ko lagi dinadaan sa sakin ng ulo.
Eh ano nga ba magagawa ko?
Sana minsan di mo inaassume na galit ako.
Kasi hindi naman ako nagagalit dahil lang sa simpleng bagay. Malungkot, pwede pa. Pero galit?
Sana minsan iniisip mo muna kung bakit ako nagkakaganto.
Wag mo unahin pride mo.
Sana minsan di masyadong defensive sorry mo.
Nagsorry ka pa kung may habol rin palang pagtatanggol sa sarili mo.
Sana minsan intindihin mo pag sinabi kong "nasasaktan din ako."
Kasi hindi ko pinagtatanggol sarili ko. Pinapakita ko lang sayo kung ano yung nagawa mo.
Sana minsan wag mo unahin pride mo.
Kasi nakakasakit lalo. Nasaktan na nga yung tao, mas inintindi mo pa sarili mo.
Sana minsan wag ka magtampo agad kahit pabiro lang.
Nakakasama kasi ng loob pag ayaw mo kong pansinin tapos pag nasaktan na ko bigla mo kong kukulitin.
Sana minsan alalahanin mong kahit papano pinaprioritize mo rin dapat ako.
Hindi nga tayo, pero ikaw ba magugustuhan mo kung lagi nalang akong nagdadahilan ng kung anu ano?

Puro sana lang naman yan eh. Pero wag ka magalala, mahal parin naman kita kahit ano mangyari. Tanggap din naman kita eh. Lilipas din to. Maya maya ayos na rin tayo.  >:*<


Labels: , ,


Older Post | Newer Post